Matapos ideklara ang unang kaso ng coronavirus sa Pilipinas, nagbigay ng tips si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kung ano ang dapat gawin upang malalabanan ang sakit na coronavirus.
Ayon kay Sec. Duque, dapat sundin ang precautionary measures gaya ng pagkain ng mayaman sa Vitamins A, C, E at mineral zinc.
Dapat din daw uminom ng maraming katas ng prutas. at maglagay ng malunggay sa soup o anumang pagkain.
Payo din ni Secretary Duque na iwasan na tumungo sa mga lugar na maraming tao.
Mabuti din daw na magsuot ng mga surgical mask upang maprotektahan ang sarili sa anumang sakit.