Tesda Free Courses TESDA - TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skills development.

Sunday, April 8, 2018

PAGKAIN NG PAA NG MANOK DAMING HEALTH BENEFITS ANG MAKUKUHA

Ang pagkain sa paa ng manok ay maaaring nakakadiri para sa iba pero isa itong delicacy pagdating sa mga Chinese, Vietnamese, Filipino at Korean. Pero hindi lamang ang mga Asyano ang kumakain nito at kasama rin dito ang mga tao sa bansa na Jamaica, South Africa, Trinidad at mga nasa South America. Bawat isa sa bansang ito ay may kani-kanilang bersyon ng chicken feet recipes.



Para sa ilang mga pinoy, ang pinakamasarap na kainin na parte ng manok ay ang paa nito. Mas masarap ito at naging sikat ito bilang isang street food. Hindi lamang ito masarap at marami rin itong health benefits na maibibigay sa ating katawan.

ITO ANG ILAN SA HEALTH BENEFITS NG PAGKAIN NG PAA NG MANOK:

MAS MAGMUMUKHA KANG BATA DAHIL DITO

Mas magiging malinis ang complexion mo dahil dito. Ayon sa pananaliksik na ginawa ng Department of Animal Science of National Chung-Hsing University sa Taiwan, ipinakita na ang paa ng manok ay maraming collagen. Karamihan sa nabibiling mga collagen supplements ay sobrang mahal kaya maaari mong subukan na kumain na lamang ng paa ng manok dahil mas mura pa ito.

ANG CARTILAGE NG MANOK AY MAKAKATULONG PARA LABANAN AT MAPIGILAN ANG RAYUMA



Ang paa ng manok ay gawa sa buto, balat, tendons pero wala itong muscles. Punong-puno ito ng proteins, calcium, collagen at cartilage na madaling ma-absorb ng katawan. Ito ay mahahalagang nutrients na kailangan para sa maayos na pagkilos ng mga joints at mabawasan din ang sakit na dulot ng rayuma at joint pains. Sa halip na bumili ng mga supplements na may glucosamine at chondroitin, gumamit na lang ng chicken feet sa sopas mo para makamura ka.

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON NA DAPAT MONG MALAMAN TUNGKOL SA PAA NG MANOK:

Pinapabilis nito ang paghilom ng mga sugat, pinapalakas ang immune system, pinatitibay ang mga joints at mahihinang mga buto at nakakatulong para sa pagpapanatili ng wastong balanse ng hormones sa katawan.

Mataas din ang laman nito na collagen. Ang dami nito ay katulad ng makikita sa mga green leafy vegetables at prutas.

Ang collagen ay kailangan para sa mapanatili ang elasticity ng balat.

Ang collagen ay makatutulong para mapanatili ang masiglang balat dahil sumusuporta ito sa mabilis na produksyon ng bagong mga skin cells.

Ang collagen ay makakatulong para mas makuha ng katawan ang kinakailangan nito na calcium at proteins. Tinataasan din nito ang produksyon ng red blood cells dahil mas pinatitibay nito ang mga daluyan ng dugo. Makakatulong din ito sa pagbawas ng timbang dahil pinapabilis nito ang metabolism ng taba sa katawan.

Bukod dito, pinatitibay din nito ang mahihinang mga buto. Ang mga isyu na may kaugnayan sa mga kasukasuan at mahihinang buto ay karaniwang makikita sa mga matatanda. Nangyayari ito dahil mahina na ang kakayahan ng katawan na maproseso ang kinakailangan nito na calcium.

Kung kinakain mo na ito habang bata pa ay mas makabubuti ito sa iyo sa kinalaunan. Ang paa ng manok ay puno ng mga protina, calcium, cartilage at collagen na madaling ma-absorb ng katawan.

Ang nutrisyon na makukuha dito ay mahalaga para mas maging matibay ang ating buto at para rin maiwasan ang pagliit ng buto sa mga nakatatanda.

Umaasa kami na nakatulong sa inyo ang artikulo ito. Maaaring ipabasa lamang ito sa iba para malaman din nila ito. Maraming salamat!

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Online PH

© Trending News Online PH

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Online PH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment