Tesda Free Courses TESDA - TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skills development.

Saturday, March 17, 2018

HALAMANG TAWATAWA MABISANG PANLABAN SA MARAMING SAKIT

Kung nasa pilipinas ka, ang isang halaman na kung tawagin ay Tawa-tawa ay magbibigay ng saya sa mukha mo dahil lamang sa pangalan nito. Gayunman, ang kakayahan ng halaman na ito para mabigyan lunas ang maraming klase ng karamdaman ay dapat seryosohin.



Ang siyentipikong pangalan nito ay Eurohorbia Hirta at tinatawag din na Gatas-gatas dahil sa laman nito na katas na kaparehas sa itsura at pakiramdam ng gatas, o tinatawag din na Asthma weed dahil sobrang nakakatulong ito sa mga inaatake ng astma o hika. Ito ay mabalahibo na halaman at sobrang dami sa mga bansa tulad ng India at sa Pilipinas, sa katunayan tumutubo lang ito kahit saan. Mataas ang tiyansa na makita mo kaagad ito kung naghahanap ka lang sa tabi ng daan, sa imbakan ng mga basura, sa mga daanan sa bukid at sa damuhan.

Sa isang 2012 na pag-aaral na ginawa sa U.S., napag-alaman na ang Tawa-tawa ay may mabisang mga katangian tulad ng pagiging anti-diarrheal, anti-cancer, anti-bacterial, antioxidant, anthelmintic, anti-asthmatic, sedative, anti-spasmodic,anti-amoebic, anti-fertility, anti-fungal, at antimalarial. Dahil dito ang tawa-tawa ay talagang biyaya ng kalikasan at isang ginto!



Ginagamit ito ng mga Indian nationals sa kanilang Ayurvedic medicine sa loob ng maraming siglo kahit sa kasalukuyan. Ang komplikado na pagkagawa nito ay nagbibigay ng mabisang panlaban sa mga maraming uri ng sakit at karamdama; ang ilan dito ay ang alkanes, phytosterols, tannins, polyphenols, triterpenoids, amino acids, alkaloids at flavonoids.

MAHABA ANG LISTAHAN, PERO NGAYON IPAPABASA NAMIN SA INYO ANG SAMPUNG (10) PANGUNAHING PAKINABANG NG TAWA-TAWA:

1. Magagamit ito para mapataas ang produksyon ng platelets (para sa malaria at dengue)

Ang biglaang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagdurugo ng ilong at mababang bilang ng platelet ay sintomas ng dengue. Matagal na itong isyu sa Pilipinas dahil ang mga lamok na nagdadala sa dengue virus ay mahilig sa klima ng bansa.

Ang epidemya ito ay talagang napakalala na at sa isang pag-aaral na ginawa noong 2008 na inilathala ng Regional Office for the Western Pacific of the Health Organization ay nakapagtala sila ng 9,620 na kaso ng dengue na may 373 na fatalities o namatay sa Pilipinas.

Alam ng mga mananaliksik na ang blood transfusion ay napakahirap gawin dahil ang sakit na ito ay maaaring patayin ang isang pasyente sa loob lamang ng ilang oras. Inirekomenda nila ang paggamit ng tawa-tawa para mapalakas ang produksyo ng platelets sa katawaan at mapataas ang bilang nito dahil wala rin itong makikitang epekto sa bilang ng mga red blood cells at white blood cells.

Dahil rin sa pagtaas ng produksyon ng platelet sa bone marrow ay tumaas din ang kakayahan ng tawa-tawa na pataasin ang bilang ng nito sa katawan.

Kung nagtataka ka kung paano nakakatulong ang tawa-tawa para mapataas ang bilang platelets sa katawan, mababasa mo sa baba kung paano makagawa ng isang sikat na tawa-tawa tea.

(1) Kumuha ng 5 buong Tawa-tawa na halaman;

(2) Putulin ang ugat, hugasan at linisin;

(3) Pakuluan ang Tawa-tawa sa isang kaldero na may tubig at siguraduhin na malinis ito;

(4) Ilipat ito sa isang lalagyan at hayaang lumamig;

(5) Uminom ng 1 baso ng 3-5 beses sa isang araw.

Gayunman, dapat ka pa ring kumunsulta sa doktor bago mo gamitin ito dahil baka gumagamit ng ibang medikasyon ang tao na pagagamitan mo nito at magkaroon ng masamang reaksyon o epekto.

2. Nakakatulong para patayin ang mga bakterya

Para magamit mo ito para mapuksa ang mga bakterya sa katawan, kailangan mo lang ng 25 grams ng halaman na ito per 2 tasa ng tubig, pakuluan sila ng 3 minuto at uminom ng 3-5 tasa araw-araw para mabisa. Gumagana ito dahil sa ethanol extract na makikita dito na napag-alaman na mabisa para mapigilan ang pagkalat ng mga bakterya. Bukod sa pagiging anti-bacterial ng tawa-tawa ay noncytotoxic din ito na nangangahulugan na wala itong laman na toxins na makasisira sa mga cells.

3. Panlunas sa mga problema sa balat

Mabisa itong panlunas para sa sores, boils, warts, fungi at mga sugat. Paano ito gamitin? Gumamit ng fresh latex sa sores, boils, warts, fungi at mga sugat. Wisikan ng pinatuyo o dinurog na dahon ng tawa-tawa bilang wound dressing. Bukod dito, ang sap ng tawa-tawa kapag ginamit ng direkta sa mga apektadong bahagi ay epektibo rin para matanggal ang skin herpes.

4. Panlunas sa diarrhea/dysentery

Ang paggamit dito sa kahil maliit na dosis ay makakatulong para mapaginhawaw ang digestive system at ang malaki dosis ay magdudulot ng purgative na epekto. Ibabad lamang ang isang kutsara na puno ng dahon ng tawa-tawa sa isang baso ng tubig sa loob ng 8-10 minuto. Uminom ng 4 baso bawat araw.

5. Pinapabuti ang fertility sa pagbawas sa sperm motility

Maaaring makaluma na itong gamitin para dito dahil marami ng mga panibagong medikasyon para dito, gayunman, dapat mong malaman na ang tawa-tawa ay maraming epekto pagdating sa sexual health, ang anti-viral at sterile na katangian nito ay epektibo para magbigyan ng lunas ang maraming klase ng venereal disease at urinary tract infections.

6. Pinapatay nito ang mga parasitiko na uod

Epektibo itong gamitin bilang dewormer o pangtanggal ng uod at para mapatay ang mga itlog nito. Katulad ng nabasa mo sa taas ito ay may purgative effects. Ang kailangan mo lang ay 25 grams ng dahon nito sa 2 tasa ng kumukulo na tubig. Hayaan itong lumamig bago uminom ng 3-5 tasa bawat araw.

7. Para maibsan ang stress at anxiety o sobrang pag-aalala

Gumagana ito bilang sedative at nakakatulong para mabigyan ng lunas ang anxiety. Ang paggamit nito ay katulad ng para matanggal ang bakterya at uod sa katawan.

8. Para maiwasan ang alerhiya

Ang shikinic acid at choline na makikita sa tawa-tawa ang may kagagawan sa pagpigil sa maaga at huling state ng allergy. Ang paggamit dito ay katulad ng pagtanggal ng mga bakterya.

9. Para mapababa ang blood pressure

Dahil sa anti-diuretic ang tawa-tawa ay mabisa niton na mababawasan ang antas ng blood pressure sa katawan. Ibabad ang 3 kutsara ng dahon nito sa 1 tasa ng tubig sa loob ng 5 minuto at uminom ng 2 baso para epektibong mapababa ang mataas na blood pressure. Kay kakayahan itong mapigilan o ihinto ang aktibidad ng angiotensin habang pinapataas ang dami ng pag-ihi mo at ng electrolytes sa katawan.

10. Para mabawasan ang mga pamamaga

Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang tawa-tawa na Asthma weed. Ang mga problema sa paghinga tulad ng astma, sore throats at paulit-ulit na ubo at kahit bronchitis ay kayang paginhawain dahil sa anti-inflammatory na katangian ng aromatic plant na ito.

Maaaring ikunsumo o gamitin ang tawa-tawa sa maraming paraan. Bukod sa paggawa ng tsaa gamit ito o pagpapakulo lamang sa mga dahon nito ay may mga capsules din na gawa dito na makikita ka sa mga drugstores. Gayunman, tulad ng ibang mga bagay ay mag-ingat at huwag itong gamitin ng sobra.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Online PH

© Trending News Online PH

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Online PH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment