Tesda Free Courses TESDA - TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skills development.

Monday, March 19, 2018

Netizen Binahagi Ang Kanyang Tamis Ng Tagumpay Sa Kabila Ng Kanilang Kahirapan GUGULONG PERO GAGRADUATE

May mga kabataan ngayon na pinagaaral ng kanilang mga magulang pero hindi siniseryos ang kanilang pag-aaral, pero may iba naman na gustong gusto makapag aral pero walang pam paaral or kapus ang kanilang mga magulang.



Kaya yung ibang kabataan para makapag aral ay pinipili nilang magtrabaho or magworking student para lang matustusan ang kanilang pag aaral. Hindi biro ang maging isang working student, kasi alam naman natin na katakot takot na hirap at pagod ang dadanasin mo para lang kumita ng salapi lalo na't hindi pa graduate.


via Kim Charlotte Aranjuez

Kaya siguradong pagod, puyat at pananakit ng mga kasokasohan ang aabutin ng katawan at siguradong mababawasan ang oras sa pagaaral at sa iba pang importanteng gawain dahil sa trabaho.

Pero isang estudyante ang pinatunayan na lahat ng hirap at pagsisikap ay kaya lagpasan basta determinado ka lang na mairaos ang iyong pag aaral kahit nagtratrabaho. Ginawa nyang tulay ang kanyang pagiging working student para makamit ang kanyang inaasam na pangarap sa buhay.


via Kim Charlotte Aranjuez

Hinangaang ang isang babae sa social media matapos niya ibahagi ang kanyang experience sa pagiging working student at kung pano nya naitawid ang kanyang pagaaral kahit na kapos sa pera.

Ayon sa Facebook post ng isang netizen na nag-ngangalang Kim Charlotte Aranjuez na sa sobrang hirap ng kanyang dinanas sa pagiging estudyante at service crew dumating daw sa punto na muntik na siyang bumitiw.


via Kim Charlotte Aranjuez


Pero ng dahil sa mga nasa likod nya na laging anjan at handang tumulong sa mga oras ng kanyang pangangailangan ay mas lalong tumatag sya at kumapit sa kanyang pangarap.

“Tandaan nyo “mapapagod pero hindi susuko.” Dahil tulad ng sinabi ko yung makuha mo yung gusto mo dahil alam mong pinaghirapan mo, iba yung pakiramdam. Kaya laban lang.”

Makikita kay kim ang kanyang determinasyon na maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at aminado din siya na napakalaki ng naitulong ng pagiging service crew nya sa kanyang pagkatao at mas tumibay ang kanyang hangad na matapos ang kanyang pagaaral.

Kaya sa mga working student at mga service crew saludo po kami sainyo.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Online PH

© Trending News Online PH

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Online PH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment