Tesda Free Courses TESDA - TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skills development.

Thursday, February 22, 2018

ANIM NA PALATANDAAN NA MABABA ANG LEVEL NG POTASSIUM SA IYONG KATAWAN

Ang potassium ay isang importanteng mineral para sa wastong pagtakbo ng buong katawan ng tao. Kapag mababa ang antas ng potassium sa katawan, ito ay makasisira sa kalusugan ng isang tao.



Ito ay mahalaga para sa wastong paggana ng mga muscles sa katawan tulad ng puso. Kahit maliit lamang ang binaba nito ay malaki na ang magiging epekto nito sa muscles, nerves at kahit sa puso.

 SINTOMAS NA MABABA ANG ANTAS NG POTASSIUM :

CONSTIPATION

Ang kakulangan sa potassium ay nagreresulta sa mga masamang epekto sa wastong tungkulin ng katawan tulad ng digestion process. Ito ay magdudulot ng cramping at abdominal bloating.



Gayunman, ang mababang antas ng potassium sa katawan ay hindi pangunahing dahilan ng bloating kaya kailangan mo ring malaman kung anong mga pagkain ang nagdudulot ng constipation.

PAKIRAMDAM AY BLOATED

Kung kulang sa potassium ang katawan, mahihirapan itong kontrolin ang antas ng sodium na magreresulta sa salt-induced bloating.

PALPITATIONS NG PUSO

Ang potassium deficiency ay sadyang delikado para sa kalusugan ng puso. Ito ay nagiging sanhi ng irregular heartbeat at kahit palpitations na hindi kaagad malalaman kung ano ang dahilan. Ang pagka-abala rin sa electrical impulses sa katawan na dulot ng potassium deficiency ay maaaring magdulot ng arrhythmia.

HIGH BLOOD PRESSURE

Dahil ang potassium ay nakababawas sa mga epekto ng sodium sa katawan ito ay mabisang gamitin para pangasiwaan o kontrolin ang antas ng blood pressure.

LUBOS NA PAGKAPAGOD

Para gumana ng mabuti ang bawat cell sa katawan mo ay kailangan ng potassium dahil makaka-apekto ito hindi lamang sa mga cells kung hindi sa mga organs din sa loob ng katawan mo.

Kung napapagod ka palagi kahit hindi ka naman sobrang kumikilos o nagtratrabaho ay subukang magpasuri sa doktor.

MAHAPDI O KAWALAN NG PAKIRAMDAM

Ang potassium ay mahalaga para mabuting kalusugan ng mga nerves at kung kulang ito ay maaaring maranasan mo ang mahapding sensasyon sa balat at kahit kawalan ng pakiramdam sa katawan.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Online PH

© Trending News Online PH

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Online PH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment