Kahit hanggang ngayon, parami pa rin ng parami ang mga tao sa buong mundo ang nagkakaroon at nahahawahan ng COVID-19 o mas kilala sa tawag na coronavirus na nagsimula sa isang wet market sa Wuhan City, Hubei Province sa China.
Ngayong March 23 nga ay tinatayang nasa 343,414 na katao na ang mayroong COVID-19 sa buong mundo kasama na rito ang 14,776 na n4matay at 99,066 na naka-recover mula sa d3adly disease.
Sa ngayon naman, patuloy pa rin ang mga medical experts sa paghahanap ng gamot para malabanan ang COVID-19 sa madaling panahon. Halos lahat na rin ng mga medical experts sa buong mundo ay nagtutulong-tulungan para makagawa ng gamot para sa COVID-19 at tila ang matagal na nilang hinahanap ay malapit lamang pala sa kanila.
Ayon naman sa ilang reports, ang gamot pala ay maaari lamang matagpuan sa mga taong naka-recover na mula sa COVID-19. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang dugo ng mga COVID-19 survivors ay ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na kailangan para makagawa ng isang gamot panlaban sa naturang virus.
Dahil wala pa naman na kahit anong gamot na nagagawa, sa ngayon ay umaasa na lamang ang mga doctor sa plasma ng mga survivors.
Ang paraan naman na ito ay kinakailangan kumuha ng plasma ng survivor. Habang isinasagawa ang paraan na ito, ang mga eksperto naman ay nakakakuha rin ng mga antibodies na gagamitin naman nila para labanan ang COVID-19. Ito ay kilala naman sa tawag na convalescent serum at ang paraan na ito ay ginamit na rin sa dating mga sakit katulad ng Spanish flu at Ebola.
Dahil na rin dito, parami na rin ng parami sa mga survivors ang nagdo-donate ng kanilang plasma bilang tulong para sa iba pang mga nahawahan. Ang mga doctor naman ay pinapayuhan sila na magpahinga ng dalawang linggot para mabawi ang lakas na nawala dahil sa virus.
Isa na nga sa kanila ay ang babaeng ito na ngayon ay handa ng mag-donate ng kaniyang plasma matapos mayari ang kaniyang quarantine na tumagal rin ng 13 araw.
1
Aniya,
"I'm physically prepared to donate plasma. Also, I'm calling for patients who are in a situation similar to me to donate their plasma. I believe patients who have overcome a difficult period would like to try their best to help other patients."
source : sasa
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Online PH
© Trending News Online PH
No comments:
Post a Comment