Sa simula ng Marso, naging sunod-sunod ang ulat tungkol sa pag-akyat ng bilang ng mga nahahawaan ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Pilipinas.
Ngayong araw ay lumagpas na sa 307 ang naitalang inpeksyon sa covid-19.
Pero sa gitna ng kadiiman na ito ay may munting liwanag. Pumalo na sa 13 ang gumaling na sa sakit. Kabilang sa mga bumuti ang kalusugan ay ang 4 na senior citizens.
Isa dito ang 70-anyos na lalaki at ang asawa nito na 69-anyos na pinalabas sa ospital nito lang Marso 19. Ang dalwang senior citizens ay may hypertension.
Ang ikatlo naman ay isa 75-anyos na babae sa syudad ng Makati na na-discharged sa ospital nito lang Marso 17. Bumiyahe daw ito sa Estados Unidos at nahawaan ng coronavirus.
Ang pang-apat ay 72-anyos na taga-Batangas. Wala raw ito history ng exposire sa coronavirus.
Magugunita na para mapigilan ang pagkalat ng covid-19 sa Pilipinas, ilang hakbang ang ipinatupad ng pamahalaan. Ilan dito ay ang pagsususpinde ng mga klase, pagpapatupad ng “Enhance Community Quarantine” (ECQ) at paglalagay sa buong Pilipinas sa “State of Calamity”.
Kanina ay dumating na ang libo-libong mga medical supplies tulad ng 100,000 coronavirus test kits, 10,000 piraso ng n95 masks, 100,000 surgical masks, at 10,000 personal protective equipments na ibinigay ng bansang China sa Pilipinas. Ang mga ito ay opisyal na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at mga opisyal ng Department of Health (DOH).
“(The result) is still within a few hours. This is a PCR-based and not serum-based like (the ones released that are like) pregnancy test kits. We don’t use a serum-based test for diagnosis… The measures China took at the start of the Covid-19 epidemic were the right ones and in fact, we have adopted it – the complete isolation of communities because it’s the only way. Or as our president says, ‘We need to starve the virus of victims. The one who showed the way is China,” saad naman ni Foreign Affairs Secretary Locsin.
Source : ABS-CBN
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Online PH
© Trending News Online PH
No comments:
Post a Comment