Tesda Free Courses TESDA - TESDA provides direction, policies, programs and standards towards quality technical education and skills development.

Wednesday, March 11, 2020

P380 para sa 500ml Na Alcohol Maraming Netizen Ang Nagulat Sa Presyo Online

Nagpa-panic buying na sa Luzon ngayon ng alcohol matapos ang balitang may kompirmadong Pilipino na nagpositibo sa CoVid-19.

Nitong Miyerkules, nasa 35 pinoy na ang infected ng nasabing virus. At inaasahang tataas pa ang gma numero sa susunod pa na mga araw.



Kaya naman nagkakaubusan na ng alcohol at face mask bilang panangga sa coronavirus.

Ngunit ang nakakagulat ngayon ay ang ibinahagi ng isang netizen sa social media kung saan ibinebenta na nga mahal ang mga alcohol.

Sa mga screenshot ni Mica Ella Quiambao, ipinakita niya na ibinebenta ng P380 pesos ang kalahating litro o 500ml na alcohol. Samantala, ang 1000ml naman ay nasa 470 pesos.


Umalma si Quiambao sa kanyang online post dahil pinagsasamantalahan na ito ng ilang kababayan.



Ang original na retail price ng 500ml ay nasa P74 lang. Nagpapatunay na overpricing na ang ginagwa ng ilang kababayan ngayon dahil sa demand ng alcohol sa bansa.






Photo courtesy: Mica Ella Quiambao/Facebook
Photo courtesy: Otep Tigue/Facebook


Kaya naman panawagan ni Quiambao na huwag samantalahin at maging gahaman sa mga pagkakataong ito.

“Shoutout po sa mga bumibili ng alcohol ng madamihan tapos ibebenta ng may malaking patong. Wag po ganon, nasa sitwasyon po tayo na lahat tayo kailangan ng alcohol. Wag gahaman kasi madaming nangangailangan!!”

“FYI, ung 500ml na Green cross alcohol ay nasa 74 pesos lang, tapos ibebenta niyo ng 380 ung ganon kalaki.”

Samantala, nagbahagi rin ang isa pang netizen na si Otep Tigue ng mga larawan kung saan mahal rin ang bentahan ng alcohol online.

Umabot rin ng P315 ang 500 ml na alcohol at nasa P440 naman ang 1000ml.

Ang mga naturang post ay umani ng batikos mula sa mga netizen. Maraming netizen ang nagalit at napamura na lamang dahil sa pagsasamantala na ginagawa ng ibang kababayan upang makapanlamang sa iba.




So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Online PH

© Trending News Online PH

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Online PH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment